Pages

Saturday, May 08, 2010

Dear Bogs, Paano na Kaya si John?

Sinisimulan ko pa lang ang entry na to, natatawa na 'ko sa sarili ko.

Hindi talaga ako nagpunta sa sinehan ngayong linggo para panoorin ang Ironman 2 dahil baka pangit, kaya next week ko na lang papanoorin. Nanghihinayang ako sa ten dollars na gagastusin ko para manood ng isang hindi kagandahang pelikula. Pero ang ironic lang. Nasa bahay nga ako, nakatipid nga ako ng ten dollars na GV ticket at seven dollars or so para sa popcorn at drinks, pero mga hindi kagandahang pelikula din naman ang pinanood ko.

Kagabi, tinapos kong panoorin ang Dear John. Pinutol ko kasi ang panonood noong Martes kasi nabagot na ko sa walang katapusang pagpapalitan ng sulat. Hindi ako natuwa sa pelikulang ito. Sayang, na-hook pa naman ako sa trailer. Bakit naman kasi kelangang si Tim pa ang makatuluyan ni Savannah?

At kanina, pinanood ko ang Paano na Kaya sa pirated DVD. At cge na, eto na ang review ko.

Pasensya na, nahohomesick kasi ako ng onti this week kaya I need my dose of anything Pinoy.



***

Legend: Kim = Mae, Gerald = Bogs, Melissa Ricks = Anna


Pinanood ko ang pelikula na hindi nageexpect. Hindi katulad ng Miss You Like Crazy na nagexpect pa ko ng onti, na mejo magiging maganda dahil maayos naman ang huling pelikula nina John Lloyd at Bea.

Hindi ako nagexpect na maganda (please don't get the impression na maganda nga ang pelikula, dahil so-so lang ito). Ayos pala pag ganun. Mas tataas ang appreciation mo ng pelikula kapag umpisa pa lang binabaan mo na ang expectations.

Alam ko na naman kasi ang takbo ng istorya: 'best friends who fell in love with each other and they live happily ever after, but wait meron munang problems bago ang happy ending' type. Halatang halatang scripted un part na magkausap si Mae at Bogs sa may shore sa umpisa ng pelikula, parang ang plastic kasi ng dating eh. Parang pilit na pilit ang pagbigkas ni Bogs ng mga linya.

Maayos naman ang cast - Ricky Davao bilang strict at business-minded dad ni Mae, Zsa Zsa as the cougar mom ni Bogs, at winner ang group of friends ni Mae sa pelikula. At least sa gitna ng ilusyon ni Mae na maging girlfriend ni Bogs, nababalanse. Andun ang group of friends nya na nagsasabi at nagreremind sa kanya na wag magpakatanga, wag maging parang yaya ng bestfriend at nakapag-point out na baka isang rebound relationship nga lang yun.

Okay na sana ang mga linya sa movie:

Mahalaga lang siguro Bogs, pero hindi mahal.

Mahal mo ba talaga ko o sinubukan mo lang akong mahalin para hindi kita iwan?

Sinyota mo ang best friend mo!

Dyan tau sumasablay bogs eh, may 'kaya lang'. Laging may 'kaya lang'



At least, hindi nagpapakaprofound at di gumagamit ng malalalim na salitang Tagalog. Pero naman! Bakit kelangan pang sabihin ang linyang it's not you, it's me . At bakit kelangan pang mag-insert ng ilang Chinese phrases ni Ricky Davao everytime magsasalita siya sa pelikula? Unnecessary na kasi un, kasi naestablish na naman na he is of Chinese descent.

Naipakita naman ang transformation, mula sa pagiging best friend to boyfriend-girlfriend relationship. Naestablish naman ang conflict nang muling nagbalik si Anna, ang paghihintay ni Mae nang masiraan cya ng kotse at ang pagkukulang ng food sa catering services bilang mitsa ng galit ng dad ni Mae sa kanya.

Maayos rin naman ang mga supporting elements. Ang vintage car na nagevolve mula sa simula hanggang sa maging super shiny red car na ito sa ending. Naipakita ang pagbabago ng relationship ni Bogs mula sa pagpipinta sa pader ng I Love You Anna hanggang sa painting nila ni Mae sa kanyang sariling talyer. Ang paggamit ng apelyido (Chua at Marasigan) para maipakita ang lebel ng relasyon nilang dalawa.

At dahil ito ay isang Star Cinema movie, oo, naresolve naman ang mga issues. Nagkasundo si Mae at ang kanyang dad, nagbukas siya ng sariling business, nagkausap si Bogs at Mommy nya.

Paborito ko ang eksena ng hiwalayan sa taas ng fire truck. Okay ang analohiya ng nasusunog na kagamitan sa relasyong Mae-Bogs. Astig. Hindi awkward na eskena sa restaurant o sa kotse o sa traffic sa gitna ng kalsada.

Siyempre, sila pa rin naman ang nagkatuluyan sa huli. And speaking of ending, bakit kelangan pareho sila naka-shades at naka-white (well, cge na nga offwhite ang suot ni Gerald Anderson)? Fail ang parteng ito.

No comments: