I was chatting with Ate Cham (former housemate at UP Village) last night through YM and after the customary hello-how-are-you exchanges, I mentioned that I'm going home for vacation this week. I mentioned that I'm a tunay na OFW na and she said wow, so Bagong Bayani ka pala! Hence, I remembered this blog entry originally posted at my Multiply account 10 months ago:
***
Letting go. Yan ang unang-una mong matutunan pag naging OFW ka.
Pipilitin mong pagkasyahin sa 20kg na check-in baggage at 7kg na hand-carry ang mga bagay sa buhay na nakasanayan mo. At mga materyal na bagay lang un. Hindi kasya at hindi kaya na madala mo lahat ng bagay na gusto mong dalhin, na gusto mong isama sa pagsisimula mo ng bagong buhay sa ibang bansa. Maiiwan ang mga photo albums, CD collection, magazine collection, pati mga libro mo, masyadong mabigat. Mas uunahing mong dalhin ang mga toiletries at damit at mga essentials para mabuhay ka.
Higit pa sa mga materyal na bagay, maiiba na ang takbo ng buhay mo. You have to let go of what you used to do. Hindi naman pwedeng magkita kayo ng mga kaibigan mo parati. Mahal ang airfare. Hindi mo rin pwedeng isama ang mga tao sa bahay nyo, wala ng magluluto ng almusal mo. Mamimiss mo ang lutong bahay, at cge, pati na rin ang karinderya, restaurant sa Pinas at aminin na natin, pati ang Lucky Me pancit canton at si Jollibee. Mamimiss mo ang mga nagtetext sayo, maliban na lang dun sa mga nagtetext sayo ng emo text na minsan hindi mo naman kelangan. Mamimiss mo ang mga ingay sa bahay, ang kama mo, ang mga taong nakakahalubilo mo araw-araw. May mga taong namatay at tanging alaala na lang ng huli nyong pag-uusap ang maiiwan sayo. May mga taong aalis rin papunta sa ibang bansa katulad mo, magsisimula ng bagong buhay at wala na ring kasiguruhan kung kailan kayo magkikita ulit.
Sa pagsisimula ng bagong buhay mo sa ibang bansa, malaking parte ng buhay mo sa Pilipinas ang iiwanan mo. You have the chance to earn bigger bucks, have a rewarding career and travel the world. Is it worth it? Hindi ko alam.
At hindi ko rin alam kung tama bang tawaging Bagong Bayani ang mga OFWs.Kasi kung tutuusin, parang selfish maging OFW, in a way. Para ba sa kapakanan ng sambayanang Pilipino kung bakit kami umalis?Hindi naman di ba? Pero dahil kumikita ang gobyerno sa porsyento ng mga remittances o dahil sa OWWA membership fee o kung ano pa mang dahilan, tinatawag na bagong bayani ang mga Pilipino abroad. Isang euphemistic na tawag lamang ang salitang Bagong Bayani para matakpan ang kakulangan ng gobyerno na mabigyan ng maayos na trabaho ang mga Pilipino.
(Hit the comment box if you disagree with me on this)
Araw-araw iba-ibang klaseng OFW ang nakakasalubong ko dito. Habang naglalakad ako papunta sa trabaho kada umaga, may mga domestic helper akong nakikita, at alam kong Pilipino sila. Yung isa naghahatid ng isang Chinese na bata sa may bus stop. Ung isa may dalang trolley papunta sa supermarket malapit sa office ko. Yung isa naman may inaakay na matandang lalaki. Kapag lunchbreak, kasama ko ang mga Pinoy officemates ko, at may makikita kami o makakasabay na mga Pinoy na nakacorporate attire, may necktie pa at katulad din naming mga professionals na nagttrabaho sa may CBD. Kapag hapon naman, habang naglalakad ako pauwi, may mga nakakasalubong akong mga grupo ng Filipina na papunta sa mga bar. Sabi ng landlady ko, mga prostitute daw un. Alam kong hindi naman nila cguro ginusto na ganun ang trabaho nila. Na maaaring dala lamang ng pangangailangan kung bakit nila pinasok yun.
Hindi naman para sa Sambayanang Pilipino kung bakit kami nasa ibang bansa. Hindi ko ata kayang tawaging Bagong Bayani ang mga prostitute na nakikita ko dito.