WARNING: Taglish ito, paumanhin sa code-switching.
Kung OFW ka, chances are, TFC subscriber ka. At dahil TFC subscriber ka at namimiss mo ang Pilipinas, manonood ka na ng teleserye na hindi mo naman ginagawa noon. Alam ko ang iniisip mo, 'ang jologs, no?' Oo na, don't rub it in. Jologs na kung jologs. Pero ganon talaga. Kahit papano namimiss mo rin naman ang ABS-CBN TV programming na nakasanayan mo na simula pa noong panahon ni Princess Sarah at kaibigang Tom Sawyer.
Hindi naman ako super duper teleserye fanatic (salamat sa AI, Glee, TAR at Survivor for keeping me sane), pero nanonood din naman ako paminsan minsan. At oo na, nanonood na rin ako ng Pinoy movies ngaun. Kung dati, naiinis ako sa pamangkin ko na super fan ng CinemaOne, ngaun nanonood na rin ako ng Pinoy movies sa pirated DVD (of course, galing sa Pinas).
***
WARNING #2: Hindi ako fan ng Bea-John Lloyd love team ha.
Naisipan ko lang ireview ang pelikula.
Oo, napanood ko na ang Miss You Like Crazy ni John Lloyd at Bea. If you haven't watched it, okay lang kahit hindi mo panoorin. Well, sige na nga. Typical Star Cinema movie. Title na title pa lang, nagkulang na ng creative juices.
Kung hindi ito movie at isang episode lamang sa Dear Ate Charo (linawin na natin para sa mga Kapuso), Maalaala Mo Kaya, malamang ang title nito ay Bato or pwede ring Bato at Pentel Pen or kahit anong bagay na andun sa movie, dahil parating isang noun ang title ng isang MMK episode.
Ay oo, pwede ring Petronas Towers. Kawawa kasi ang Petronas Towers sa movie na ito. Though it served its purpose, being a Malaysian icon, hindi ko maintindihan kung bakit sa conversation ni John Lloyd at Bea sa coffeshop, sinabi ni John Lloyd na hindi nya alam kung ano ang Petronas Towers. Dito pa lang, mejo fail na ang script. If you are a yuppie, Account Manager sa isang CBD, with a well-off girlfriend, don't tell me you have never heard of Petronas Towers?! Or sige na nga, pwedeng playing bimbo-ish role lang si John Lloyd sa parteng iyon ng pelikula. At sige na nga, hindi lahat ng tao ay geog buff.
Isa pa, ilan kayang bato ang dala ng character ni Bea sa bag nya araw-araw? Seriously.
At masyadong magulo ang time difference, ilang buwan o taon ba talaga ang difference mula nang iniwan ni John Lloyd si Bea sa Pilipinas? 3 months? 1 taon? 2 taon? Kasi sa iba't ibang parte ng pelikula, iba-iba ang sinabi.
At ano ba ang nangyari kung bakit hindi sinipot ni John Lloyd si Bea sa ferry station? Ano ba ang ginawa ni Bembol Roco kaya galit sa kanya si Bea?
Wah. Tama na. This is making me crazy again. At cge na nga aaminin ko, hindi kasi namin masyado inintindi ang movie dahil mas exciting pa ang Ben-Melai love team sa bahay kesa sa August-Mia.
***
Kung iibahin natin ang linya ng pelikula, at gagawin itong romantic comedy, eto dapat:
Bea: Alam mo ba yung Petronas Towers?
John Lloyd: Hindi.
Bea: Weh?
or kaya (still talking about Petronas Towers)
Bea: Minsan kasi iniimagine ko nag-uusap sila.
John Lloyd: Anong sinasabi nila?
Bea: Masaya ako pag kasama kita.
John Lloyd: 'As if you have a choice' sabi naman nung isa.
Then Bea would give John Lloyd this 'are-you-crazy-look' then they would both burst into laughter.
i agree... while we're watching Miss you like crazy we kept on comparing them. well, mas like ko at mas mas kilig ako kila ben at melaih kesa kay august-mai.. actually, im looking forward for something better to happen to the both of them..to ben and melaih..goodluck! may you be like petronas towers saying to each other..."masaya ako pag kasama kita" yihee..hehe.. peace! nice one nelly! :)
ReplyDeleteWhahahaha! nice Nelly... Sinabi mo pa. Mas ok pa talaga yung Ben-Melai love team kesa August-Mia. Mas marami pa kikiligin.(ahihi!!!) suggest mo nga na gawan ng movie. Hmmm yung title is "kahoy". why? wag na it's a long story. Hahahah..
ReplyDeleteI guess madami na nagaabang na mga fans. ;) ate Belle kinikilig... lol
Bitin ba? Don't worry may part II pa yun. Nyahahaha!!
ate belle, grabe lahat ng tao sa bahay kinikilig. :D kelangan mabasa to nina kuya jezon at kelangan na gumawa si kuya earl ng website nila!
ReplyDeletemelai, kung MMK episode, 'Kahoy talaga ang title'.
kung movie, sisiguraduhin kong kasama ang nakawan eksena sa North Edsa. at basketball pa pala.
ang title, 'From Spottiswoode, with Love and Indian Food'
grabe nelissa. i'll find you a publisher. cge na, pwede mo nang karibalin si Bob Ong.
ReplyDeletethedd! sobra naman. hindi pa ko kasing galing ni Bob Ong.hahahaha. gusto ko gumawa ng script ng isang movie. GMA films? hehe.
ReplyDeleteTFC? hahahaha. i don't get it here.
ReplyDeletethere's no TFC in Belgium or ayaw mo magsubscribe?
ReplyDelete"At cge na nga, hindi lahat ng tao ay geog buff."
ReplyDeleteYea, don't be a geog snob. :P
Geog snob. hahaha
ReplyDeletepromise nelly, pagusapan natin ang libro mo, hahanap na ba kita ng publisher? hahahahahah.
ReplyDeletepublisher ng Chick lit novel? Go go go go!
ReplyDelete